Ang Santo Rosaryo ay isang paanyaya para sa atin na pagnilayan ang Ebanghelyo at ang kanyang mga misteryo sa gabay ni Maria na ating ina. Isa itong paraan upang mapalapit sa Panginoon at maalalim ang ating pananampalataya.
Upang mapalaganap pa ang debosyon na ito, si Padre Stephen Cuyos, MSC at si Jun Asis ay nag-record ng Santo Rosaryo sa Tagalog at ito ay kanilang ibinukas para sa libreng download.
Kung ikaw ay seafarer, maaari mong i-download ang gabay sa Rosaryo na ito sa inyong Ipod o di kaya ay mp3 player o cellphone at gawin itong gabay sa inyong pagdarasal habang kayo ay nasa gitna ng karagatan. Inaanyayahan din ang mga pamilya ng seafarer sa gawain na ito.
Para sa inyong libreng podcast, click here.
Monday, October 15, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)