Thursday, July 19, 2007

Pagpapakilala

ni Padre Nilo E. Tanalega, SJ

Mahirap ang buhay sa laot; mahirap ang buhay marino!
Kung minsan sa pagtaas ng mga alon, di mo alam kung ganong kataas pa yan, at paano ang pagbagsak.

Sa karanasan ng tao, subalit, ang tubig ay ang nagbibigay buhay.
Ito ay ang tugon:
Sa pagkauhaw ng tao
Sa pandilig ng halaman at puno
Sa pagbigay aliwalas sa mga naiinitan, tao man o hayop
Sa paglinis ng mga maruming sisidlan o lawak ng kinaroroonan

Kahit na sa bawat pagpatak ng ulan:
Mabibilang mo ang ginhawa na dala nito
Ang paglaki ng mga tanim sa bukirin
Ang mga araw na lumilipas … mula sa bagyo tungo sa tagtuyot

At sa ating kuwento ng pananampalataya, ang tubig ang:
Hinati sa lupa at gawa na rin ito ng Maykapal
Nilagyan ng sanggol na maglilitas ng bayang Israel sa pagkaalipin
Hinati uli sa pamamagitan ni Moises upang maraan ang aping Israel
Eksena ng pagpapahayag ni Juan sa ilog Jordan
At, ang huling pumatak sa katawan ng Tagapagligtas na nakabayubay sa krus

Sa tubig kayo naroon. Ito ang sumasalo sa inyo. Ito ang kinabubuhay ninyo.

Makidalo sa ating “Daungan” – upang ang tubig ng kaligtasan ay tuluyang humantong sa inyong kandungan.